^

Probinsiya

3 utas sa bumaliktad na sasakyan

- Ni Malu Manar -

MAKILALA, North Cotabato, Philippines – Tatlo ang nasawi, habang tatlong iba pa ang sugatan matapos bumaliktad ang sasakyan sa highway ng Barangay Malasila sa bayan ng Makilala, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Endrico Genota, 66; Charmane Genota, 32; at si Marian Genota, 12.

Nasa kritikal na kalaga­yan naman sina Jake Genota, 32, driver ng pickup truck; Maria Cristina Genota, 33; at ang batang 3-anyos.

Ayon sa police report, pauwi na ang mga biktima sa Kidapawan City mula sa Davao City nang mahulog sa shouldering ng kalsada ang sasakyan kaya nawalan ng control sa manibela ang driver.

Nagpagulung-gulong ang pickup kung saan tumilapon palabas ng sasakyan ang mga biktima.

Sa highway din na ito naganap ang trahedya sa bayan ng Makilala noong October 28, 2006 kung saan aabot sa 10-katao ang nasawi habang 30 iba pa ang nasugatan matapos ara­ruhin ng dumptruck ang mga sasakyan na nakaparada sa gilid ng kalsada.

vuukle comment

BARANGAY MALASILA

CHARMANE GENOTA

DAVAO CITY

ENDRICO GENOTA

JAKE GENOTA

KIDAPAWAN CITY

MAKILALA

MARIA CRISTINA GENOTA

MARIAN GENOTA

NORTH COTABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with