^

Probinsiya

Trainer plane ng PAF bumagsak, 2 piloto nawawala

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dalawang piloto ang nawawala matapos na aksidenteng bumagsak ang Aermacchi SF 260 trai­ner plane ng Philippine Air Force (PAF) sa bahagi ng Lamonja Island sa pagitan ng Mariveles, Bataan at Cavite, ayon sa mga opisyal kahapon.

 Ayon kay PAF Spokesman Lt. Col. Miguel Ernesto Okol Jr., bandang alas-6 ng umaga ng magtake-off sa Sangley Point, Cavite ang nasabing trainer aircraft ng PAF na may body number 716.

Sinabi ni Okol na nasa routine training flight ang nasabing aircraft ng mangyari ang sakuna dakong alas-7 ng umaga kung saan wala umanong distress call mula sa dalawang piloto nito.

Ayon sa source, ang naturang mga piloto ay nakilalang sina Major Niel Tumaneng at 1st Lt. Michael Arugay.

Sinabi naman ni Bataan Provincial Police Office (PPO) Chief Sr. Supt. Ricardo Zapata Jr. bandang alas-7:15 ng umaga ng matagpuan ng mga nag­respondeng elemento ng Philippine Coast Guard ang nagkapira-pirasong bahagi ng trainer plane sa bahagi ng Lamonja Island.

Narekober sa dagat ang fuel tank, isang helmet  at isang plane set pero wala ang dalawang piloto sa crash site na nasa layong 5 kilometro sa Corregidor Island.

Nagpapatuloy ang search­ and rescue operation sa dalawang piloto ng trainer aircraft.

vuukle comment

AYON

BATAAN PROVINCIAL POLICE OFFICE

CAVITE

CHIEF SR. SUPT

CORREGIDOR ISLAND

LAMONJA ISLAND

MAJOR NIEL TUMANENG

MICHAEL ARUGAY

MIGUEL ERNESTO OKOL JR.

PHILIPPINE AIR FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with