^

Probinsiya

4-anyos ni-rape slay ng 15-anyos

- Ni Boy Cruz -

BULACAN ,Philippines  – Pabata nang pabata ang mga nagiging rapist at killer kung saan isa na namang 4-anyos na nene ang ni-rape slay ng 15-anyos na lalaki sa bahagi ng Sitio Caylawig, Barangay Catmon sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan noong Linggo ng gabi.

Basag ang bao ng ulo sa likurang bahagi ng biktima na kinilalang si Jomalyn Oraye habang naaresto naman at pansamantalang nasa panga­ngalaga sa himpilan ng pulisya ang suspek na itinago sa pa­ngalang Tonton, estudyante at nakatira sa nabanggit na barangay.

Sa ulat ni P/Supt. Lailene Amparo, hepe ng Sta. Maria PNP, huling namataang buhay ang biktima na nagpaalam sa kanyang ina na maglalaro sa labas ng kanilang bahay kasama ang ilang kapitbahay na bata.

Subalit gumagapang na ang dilim sa kalawakan ay hindi pa bumabalik ang biktima kaya hinanap na ito ng mga magulang kung saan natagpuan ang duguang katawan ng biktima sa basurahan ng kanilang kapitbahay.

Positibo namang itinuro ng dalawang kalaro ng biktima ang suspek na nagtapon sa bangkay ng bata sa basurahan.

Inamin naman ng suspek ang krimen matapos kakitaan ito ng dugo sa damit at sa mga daliri kung saan kinumpirma ng mga opeartiba ng Scene of the Crime Operative na positibong hinalay ang biktima.

Samantala, lumantad na rin ang isa pang 6-an­yos mag-aaral at itinuro ang suspek na gumahasa sa kanya noong Marso 1, 2012 habang naglalaro sa bisinidad ng Caylawig Elementary School.

BARANGAY CATMON

BASAG

BIKTIMA

BULACAN

CAYLAWIG ELEMENTARY SCHOOL

INAMIN

JOMALYN ORAYE

LAILENE AMPARO

SCENE OF THE CRIME OPERATIVE

SITIO CAYLAWIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with