^

Probinsiya

Lider ng KFR gang, 1 pa timbog

- Joy Cantos, Cristina Timbang -

MANILA, Philippines - Bumagsak sa mga ope­ratiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang lider ng notoryus na  kidnapping for ransom (KFR) gang at isa nitong tauhan na responsable sa pagdukot sa mayamang negosyanteng si Benjamin Jaro sa isinagawang ope­­­­r­a­syon kahapon ng umaga sa bayan ng Bacoor, Cavite.

 Kinilala ni PNP-CIDG Chief P/Director Samuel Pagdilao Jr., ang nasakoteng suspek na si Rodel Ledesma, tumatayong pinuno ng Ledesma KFR gang at ang tauhan nitong si Gabriel Maligsa alyas Gabo.

 Bandang alas-5 ng umaga bitbit ang warrant of arrest ay  sinalakay ng mga tauhan ni Southern Tagalog CIDG Chief P/Sr. Supt. Bernabe Balba, Community Investigative Support (CIS),Cavite at Laguna CIDG ang pinagtataguan nina Ledesma sa nasabing lugar.

 Nasamsam mula sa mga ito ang isang cal. 45 pistol, isang  32 caliber pistol, isang granada, isang electronic scale na gamit sa illegal na droga at limang sachet ng shabu.

Sinabi ni Pagdilao na ang mga suspek ay positibong kinilala ng negosyanteng si Benjamin Jaro na dumukot sa kaniya matapos itong magtungo sa Regional Office sa Camp Vicente Lim, Calamba City . Si Jaro  na dinukot noong Abril 1, 2011 sa Cavite ay pinalaya ng mga suspek matapos na magbayad ng P5M ransom.

BENJAMIN JARO

BERNABE BALBA

CALAMBA CITY

CAMP VICENTE LIM

CAVITE

CHIEF P

COMMUNITY INVESTIGATIVE SUPPORT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DIRECTOR SAMUEL PAGDILAO JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with