^

Probinsiya

Lasenggerong mister dinedo ng misis

- Ni Tony Sandoval -

QUEZON, Philippines - Tinapos na ng isang battered wife ang kanyang paghihirap sa kamay ng sariling mister matapos nitong pagsasaksakin hanggang sa mapatay habang nasa kainitan ng kanilang pagtatalo, kamakalawa ng gabi sa Barangay Sisi sa bayan ng Guinyangan, Quezon.

Nagtamo ng mga saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan si Paulino Javier habang naaresto naman ang suspek na misis na si Yolanda Collado na kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nabatid na dakong alas-8 ng gabi ay lango sa alak na umuwi ang biktima kung saan agad na inumbag ang kanyang misis.

Dala ng matinding pag­kaawa sa sarili na kalimitang pinagbubuhatan ng kamay ng asawa ay nagtungo ang suspek sa kusina.

Nang bumalik ang misis na may hawak na patalim ay sunud-sunod na inundayan ng saksak ang kanyang mister na animo’y manok na nagkikisay at duguang bumulagta.

vuukle comment

BARANGAY SISI

DALA

GUINYANGAN

KANYANG

NAGTAMO

NANG

PAULINO JAVIER

QUEZON

TINAPOS

YOLANDA COLLADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with