^

Probinsiya

Misis, lover binoga ng mister

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Umabot sa sukdulan ang galit ng isang balikbayang mister matapos pagbabarilin ang kaniyang taksil na misis at kalaguyo nito sa tinutuluyang bahay sa Toledo City, Cebu kamakalawa.

Kasalukuyang ginagamot sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City ang mga sugatang sina Marissa Sayson, 33, nagtamo ng tama ng bala sa batok at ang kalaguyo nitong si Christian Galacite, 23, ay tinamaan naman sa leeg at kanang braso.

Samantala, arestado naman at nahaharap sa kasong kriminal ang suspek na si Margel Sayson, 41, na umuwi sa Toledo City may ilang buwan na ang nakalipas matapos mabatid mula sa kaniyang pamilya na pinagtataksilan siya ng kaniyang misis.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente sa tinutuluyang bahay ng magkalaguyo sa Magsaysay Hills, Barangay Poblacion dakong alas-5:45 ng umaga.

Nabatid na nang umuwi ang suspek ay tuluyang naghiwalay ang mag-asawa kung saan nakisama na ang kaniyang misis sa kalaguyo.

Noong Biyernes ng uma­ga ay sinugod at pinagbabaril ng suspek ang magkalaguyo sa loob ng bahay.

May posibilidad na mapawalang sala ang suspek habang ang magkalaguyo naman ay pinaniniwalaang makukulong sa ginawang kahibangan.

vuukle comment

BARANGAY POBLACION

CAMP CRAME

CEBU CITY

CHRISTIAN GALACITE

MAGSAYSAY HILLS

MARGEL SAYSON

MARISSA SAYSON

NOONG BIYERNES

TOLEDO CITY

VICENTE SOTTO MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with