^

Probinsiya

Kuya dedo sa kabute; mag-utol grabe

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Kamatayan ang naging kasalo sa hapag-kainan ng isang 38-anyos na lalaki habang dalawa pa nitong kapatid ang nasa kritikal na kalaga­yan matapos malason sa kinaing itim na kabute sa Barangay Guadalupe, Carcar City sa Cebu kamakalawa.

Binawian ng buhay dakong alas-2:30 ng hapon ilang minuto matapos na isugod sa Carcar District Hospital ang biktimang si Danilo Dayonot.

Habang patuloy namang ginagamot ang da­lawa pa nitong kapatid na sina Renante at Aileen Dayonot.

Lumilitaw sa police report na namitas ng itim na kabute sa gubat si Danilo na iniuwi nito saka inihalo sa ginisang sardinas para sa panang­halian.

Gayon pa man, ilang oras matapos mananghalian ay nakaramdam ng pamamanhid ng katawan, pananakit ng ulo, tiyan, pagsusuka at ma­tinding pagdudumi ang mag-uutol partikular na si Danilo.

Dahil dito, isinugod ng kanilang mga kamag-anak sa ospital ang mga biktima pero namatay si Danilo habang ang dalawa naman ay patuloy na inoobserbahan ng mga doktor.

vuukle comment

AILEEN DAYONOT

BARANGAY GUADALUPE

BINAWIAN

CARCAR CITY

CARCAR DISTRICT HOSPITAL

CEBU

DAHIL

DANILO

DANILO DAYONOT

GAYON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with