^

Probinsiya

STDs kumakalat sa Isabela

- Ni Raymund Catindig -

TUGUEGARAO CITY ,Philippines  — Nagbabala sa publiko ang city health office ng Departamento ng Kalusugan dahil sa pagdagsa ng kaso ng sexually transmitted diseases (venereal diseases) sa Cauayan City, Isabela.

Sinabi ni Narito Maximo, over-all program in-charge sa city health office na umabot sa kasong 60 ang naitalang nauugnay sa sexually transmitted diseases simula noong Enero hanggang kasalukuyang buwan.

Karamihan sa mga naapektuhan ng STDs ay pakikipagtalik sa ibat’ ibang lalaki ng mga guest relation officers (GRO) mula sa iba’t ibang videoke bar at beerhouse sa nasabing lungsod.

Sinabi ni Maximo na kasalukuyan nilang tinututukan ang mga bahay-aliwan na sinasabing pinagmumulan ng sakit na syphilis, gonorrrhea, at ang non-specific urethritis.

Naunang nagpahayag ng parehong problema ang city health office sa Santiago  City na nagsabing isang kinatatakutang kaso ng STDs ang nadiskubreng may HIV na dulot ng Aids ang kumapit sa isang GRO.

CAUAYAN CITY

CITY

DEPARTAMENTO

ENERO

ISABELA

KALUSUGAN

KARAMIHAN

NARITO MAXIMO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with