^

Probinsiya

Van nag-dive sa ilog: Ex-cop, 6 pa missing

-

MANILA, Philippines - Pito-katao kabilang ang dating hepe ng pulisya ang iniulat na nawawala matapos na mahulog ang pampasaherong van sa Pared River sa bayan ng Baggao, Cagayan noong Biyernes ng umaga.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Mao Aplasca, Cagayan PNP director, naglunsad na ng search and rescue operation upang hanapin ang mga biktima kabilang na si dating Ex-Baggao chief of police P/Chief Inspector Dominador Serquina.

Bandang alas-6 ng uma­ga nang mag-dive ang van sa may 20 metrong matarik na kalsada sa Sitio Goloran, Barangay Vitag Grande.

Naiahon naman ang van na pag-aari ni Serquina dakong alas-9 ng umaga pero nabigong matagpuan sa loob nito ang mga pitong pasahero.

Nabatid na pupuntahan sana ng Serquina ang kaniyang driver para mamasada nang maganap ang trahedya.

Samantala, aabot naman sa 57-pamilya ang naapektuhan matapos na umapaw ang ilog dulot ng  malakas na pagbuhos ng ulan simula pa nitong mga nakalipas na araw. Joy Cantos, Victor Martin at Raymund Catindig

vuukle comment

BARANGAY VITAG GRANDE

CHIEF INSPECTOR DOMINADOR SERQUINA

JOY CANTOS

MAO APLASCA

PARED RIVER

RAYMUND CATINDIG

SENIOR SUPT

SERQUINA

SITIO GOLORAN

VICTOR MARTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with