^

Probinsiya

Van nahulog sa bangin: 1 patay, 3 pa grabe

- Ni Victor Martin -

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya ,Philippines  – Isa katao ang nasawi habang tatlong iba pa ang malubhang nasugatan matapos na aksidenteng mahulog sa bangin ang sinasakyan ng mga itong van sa bayan ng Natonin, Mountain Province kamakalawa.

Ayon kay Captain Rhude­rick Pari-agua, ng 77th Infantry Battalion na nakabase sa nasabing lugar, kinilala ang nasawi na si Rita Wansi  habang ang mga malubhang nasugatan ay nakilala naman na sina Donald Galing; Ernesto Sakang, isang sundalo na si PFC Jonathan Lasam na pawang mga residente ng nasabing bayan.

Bandang alas- 5:10 ng hapon kamakalawa nang maganap ang aksidente sa Sitio Umanob-ob, Barangay Banawel matapos mawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng Delica van na si Joel Latigo na naging sanhi upang tuluyang mahulog sa 20 metrong lalim na bangin ang nasabing sasakyan.

Agad naman isinugod sa pinakamalapit na pagamutan sa bayan ng Natonin ang mga biktima bago dinala sa Veterans Regional Hospital sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Matatandaan na nitong Undas ay limang katao rin ang nasawi habang 37 iba pa ang nasugatan matapos mahulog ang isang truck na sinasakyan ng mga biktima sa 80 metrong lalim ng ba­ngin sa nasabing lalawigan.

vuukle comment

BARANGAY BANAWEL

CAPTAIN RHUDE

DONALD GALING

ERNESTO SAKANG

INFANTRY BATTALION

JOEL LATIGO

JONATHAN LASAM

MOUNTAIN PROVINCE

NATONIN

NUEVA VIZCAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with