^

Probinsiya

Barangay chairman, treasurer itinumba

- Nina Ed Casulla at Joy Cantos -

CAMP SIMEON OLA, Legapi City, Philippines – Napaslang ang  isang barangay chairman at barangay treasurer matapos ratratin ng mga armadong kalalakihang lulan ng motorsiklo sa kahabaan ng national highway sa Barangay Tuburan sa bayan ng Cawayan, Masbate noong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang mga napa­tay na sina Chairman Jose Pepito, 45; at Treasurer Perlito de Leon, 26, kapwa nakatira sa Barangay Liong sa bayan ng Cataingan.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Jeffrey Fernandez, lumilitaw na pabalik na sa kanilang barangay ang dalawa lulan ng motorsiklo mula sa bangko  sa Masbate City nang dikitan at pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen.

Ayon sa pulisya, hindi pagnanakaw ang motibo ng gunmen dahil hindi tina­ngay ang P.2 milyong honorarium ng barangay na dala ng mga biktima na winidraw sa banko sa Masbate City.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga operatiba ng pulisya sa kasong kung saan isa sa anggulong sinisilip ay politika.

vuukle comment

AYON

BARANGAY

BARANGAY LIONG

BARANGAY TUBURAN

CHAIRMAN JOSE PEPITO

JEFFREY FERNANDEZ

LEGAPI CITY

MASBATE CITY

SENIOR SUPT

TREASURER PERLITO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with