^

Probinsiya

2 negosyante dinukot ng Sayyaf

- Joy Cantos, Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Dalawang negosyante ng ukay-ukay ang sinasabing dinukot ng mga teroristang Abu Sayyaf malapit sa Latin Elementary School sa Barangay Latin sa bayan ng Patikul, Sulu bago magtakipsilim kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang panibagong bihag na sina Ambon Blas, 60; at Perlita Bagay, 25.

Nabatid na katatapos lamang ng dalawa na maglako ng ukay-ukay sa Philippine Marine detachment sa Brgy. Patong Patong Danag lulan ng motorsiklo nang harangin ng Sayyaf na may 7-kilo­metro ang layo sa kapitolyo ng Jolo.

Sa inisyal na imbestigasyon, natukoy na isang Roger Gapas na nasa ilalim ni Abu Sayyaf  Sub Commander  Basarun Arok ang nasa likod ng pagdukot sa dalawa.

Nabatid na ang pagdukot ay bahagi ng test mission ng tinaguriang Virgin Boys bilang mga bagong kasapi ng nasabing grupo.

vuukle comment

ABU SAYYAF

AMBON BLAS

BARANGAY LATIN

BASARUN AROK

LATIN ELEMENTARY SCHOOL

NABATID

PATONG PATONG DANAG

PERLITA BAGAY

PHILIPPINE MARINE

ROGER GAPAS

SUB COMMANDER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with