^

Probinsiya

2 bata nilamon ng apoy

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Natusta ang magkapa­tid na bata habang grabe namang nasugatan ang isa pa sa mga ito matapos na makulong ng apoy sa loob ng nasusunog nilang tahanan sa Barangay Bacuit Norte sa bayan ng Bauang, La Union noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jayson Paloga, 4; at Jamaica Jane Paloga, 2 , kapwa halos hindi na makilala ang mga bangkay dahil sa grabeng pagkasunog habang malubha naman si Aysha Paloga, 7, na inoobserbahan sa ospital.

Sa ulat ni Bauang Fire Marshal Chief SFO1 Cezar Gamboa, mahimbing na natutulog ang magkakapatid nang masunog ang kanilang bahay kung saan nagawang makaligtas ng nakatatandang kapatid na si Jonathan Paloga, Jr., 10, na sinasabing kumatok at humingi ng tulong sa kanilang mga kapitbahay.

Nabatid na ang magkakapatid ay naiwan ng kanilang mga magulang dahil sa pakikipag-inuman sa kanilang kapitbahay.

Sa inisyal na imbestigasyon, napabayaang kandila na iniwan sa altar ang pinagmulan ng apoy matapos itong mapadikit sa kurtina hanggang sa tuluyang umapoy at magliyab ang buong kabahayanan.

vuukle comment

AYSHA PALOGA

BARANGAY BACUIT NORTE

BAUANG

BAUANG FIRE MARSHAL CHIEF

CEZAR GAMBOA

JAMAICA JANE PALOGA

JAYSON PALOGA

JONATHAN PALOGA

KINILALA

LA UNION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with