^

Probinsiya

3 bata nilason ni tatay

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Namatay ang isang 3-anyos na batang lalaki habang nasa kritikal namang kondisyon ang dalawa pa nitong kapatid makaraang painumin ng chocolate drink na may halong lason sa daga ng kanilang desperadong ama na nagtangka ring mag-suicide sa Cagayan de Oro City kamakalawa.

Kinilala ni Cagayan de Oro City Director P/Senior Supt. Gerardo Rosales, ang nasawing biktima na si Jerson Janolino.

Inoobserbahan naman sa Northern Mindanao Medical Center ang mag-utol na sina Jerome Janolino, 5; at Jenesa Janolino, 2, gayundin ang kanilang ama na si Joseph “Joel” Janolino.

Ayon kay Rosales, pasado alas-7 ng umaga nang painumin ni Joseph ng chocolate drink na may lason ang kaniyang tatlong anak sa Zone 1, Punta Bonbon.

Sa police report na nakarating kahapon sa Camp Crame, dakong alas-8 ng gabi nang madiskubreng magkakasunod na nagsusuka ang mga bata, at makaramdam ng sobrang pananakit ng tiyan na sinasabing nilason ng kanilang ama sa loob ng kanilang tahanan sa Zone 1, Punta Bonbon.

Nabatid din na inabutan ng tiyahin ang tatlong bata na hindi pa natutulog at namimilipit sa matinding sakit ng tiyan at nagsusuka kaya isinugod sa nabanggit na ospital gayundin ang kanilang ama.

Lumilitaw na bago maganap ang insidente ay nag-away ang suspect at ang misis nito na nagtatrabaho sa Maynila.

Sinasabing problema sa pananalapi ang ugat ng insidente matapos mag-usap sa  cell phone ang mag-asawa ay  nagpalitan pa ng text messages kaya naging desperado ang mister. Na sinasabing nagseselos sa kaniyang misis na sinasabing may iba ng pamilya sa Maynila.

vuukle comment

CAMP CRAME

GERARDO ROSALES

JENESA JANOLINO

JEROME JANOLINO

JERSON JANOLINO

MAYNILA

NORTHERN MINDANAO MEDICAL CENTER

ORO CITY

PUNTA BONBON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with