^

Probinsiya

Sampaguita vendor binoga ng kapitbahay

- Ni Tony Sandoval -

LUCENA CITY, Philippines — Tinapos ng isang obrero ang matagal na nilang alitan ng kapitbahay na sampaguita vendor sa pamamagitan ng pagpatay dito gamit ang baril kamakalawa ng umaga sa Purok Jasmin,barangay Silangang Mayao.

Nagkabutas-butas ang katawan sa tama ng bala ng baril at malamig nang bangkay ng matagpuan ang biktimang  si Dante Alvarez, 30, may-asawa habang naaresto nina PO2 Jefferson Tamaray, PO2 Randy Buenaventura at SPO2 Rey Delfante ang suspek na si Sherwin Marco, 32.

Ayon sa imbestigasyon dakong alas 7-ng umaga ay natagpuan ang biktima na walang buhay sa tabi ng irrigation, inakala pa ng mga residente na sinalvage ang biktima subalit sa follow-up operation ng mga awtoridad ay nabatid na plinano ng suspek na patayin ang biktima upang tapusin na ang matagal na nilang alitan.

Naglalakad umano ang biktima ng patraydor na paputukan ng ilang beses ng suspek gamit ang hindi pa mabatid na kalibre ng baril saka tumakas.Nagsagawa ng sorpresang operasyon sina Tamaray, Buenaventura at Delfante kung kaya naaresto ang suspek.

vuukle comment

AYON

BUENAVENTURA

DANTE ALVAREZ

DELFANTE

JEFFERSON TAMARAY

PUROK JASMIN

RANDY BUENAVENTURA

REY DELFANTE

SHERWIN MARCO

SILANGANG MAYAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with