^

Probinsiya

3 kawatan ng kable arestado

- Ni Boy Cruz -

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan, Philippines — Kalaboso ang tatlong kalalakihan na naaktuhang nagbabaklas ng kable na pag-aari ng Globe Telecommunications Company sa itaas ng mga poste sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Agad na inutos ni Bu­lacan Provincial Director P/Sr. Supt. Fernando Mendez Jr. ang pagsasampa ng kaso laban sa mga suspek na nakilalang sina Rolando Rodriguez 29, residente ng Francisco Homes lll, Brgy.Muzon, Allan Maglonzo, 20 at Daniel Villamor, 28; mga residente ng Brgy. Sto.Cristo pawang sa siyudad na ito.

Base sa imbestigasyon ni SPO2 Freddie Ferrer ng Police Community Precinct 1 dakong alas-11:15 ng gabi habang nagpapatrulya ang mga security guard ng Globe Telecom na sina Jaime Badanoy at Rodrigo Cruz sa isang lugar sa Quirino Highway sa Brgy.Tungkong Manga ay napansin nila ang tatlong suspek na nasa itaas ng mga poste kung saan nakakabit ang mga kable ng naturang kumpanya.

Nagkataon namang nagroronda sa lugar ang mga operatiba ng pulisya at narekober mula sa mga suspek ang may 100 metro ng pira-pirasong kable na nagkakahalaga ng P60,000 at iba pa.

vuukle comment

ALLAN MAGLONZO

BRGY

DANIEL VILLAMOR

FERNANDO MENDEZ JR.

FRANCISCO HOMES

FREDDIE FERRER

GLOBE TELECOM

GLOBE TELECOMMUNICATIONS COMPANY

JAIME BADANOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with