^

Probinsiya

Anak ng mayor, arestado sa droga

- Ni Victor Martin -

LAGAWE, Ifugao ,Philippines  — Hindi na nakalusot pa sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng Cagayan Valley ang anak ng isang mayor sa lalawigan matapos arestuhin dahil sa pag-iingat ng shabu sa lungsod ng Tuguegarao, Cagayan.

Kinilala ng mga awtoridad ang inarestong suspek na si Jongi Pentecostes, isang barangay kagawad at anak ng punongbayan ng Gonzaga, Cagayan na si Mayor Carlito Pentecostes.

Ayon kay Ernesto La­cerna, information officer ng PDEA region-02, nakuha umano sa pag-iingat ng supek ang 27 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P150,000, kabilang na ang dalawang hindi pa natukoy na kalibre ng baril.

Sa inisyal na ulat ng PDEA, tinangka pa uma­nong manlaban ng suspek matapos magpaputok ng baril habang isinasagawa ang pag-aresto sa kanya.

Lumalabas sa talaan ng pulisya na ang nahu­ling suspek ay una nang naaresto at ipinasok sa rehabilitation center noong Enero 2010 subalit nakalabas naman noong Agosto 2010. Hindi naman kinunsinte ng ama na si Mayor Pentecostes ang pagka­sangkot ng kanyang anak sa droga.

vuukle comment

AGOSTO

AYON

CAGAYAN VALLEY

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

ENERO

ERNESTO LA

GONZAGA

JONGI PENTECOSTES

MAYOR CARLITO PENTECOSTES

MAYOR PENTECOSTES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with