^

Probinsiya

Trader, holdaper dedo sa shootout

- Ni Boy Cruz -

BULACAN, Philippines – Kapwa napatay ang negosyanteng babae at isa sa walong holdaper na tumangay ng P.3 milyon cash sa naganap na shootout sa Barangay Parada, San Jose del Monte City, Bulacan kamaka­lawa ng gabi.

Idineklarang patay sa ospital ang trader na si Ca­rolyn Cristobal, 45, habang ang isa sa mga holdaper ay inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Samantala, inoobserbahan sa ospital ang mister ni Carolyn na si Diomedes Cristobal na tinamaan sa iba't ibang bahagi ng katawan matapos makipagbarilan sa grupo ng mga holdaper.

Lumilitaw sa pagsisiyasat ni PO2 Rex Belli Tamani, sinundo ng mag-asawang Cristobal ang kanilang anak na lalaki mula sa pag-aaring grocery sa Barangay Muzon.

Habang pauwi ang mag-asawang Cristobal  na lulan ng Isuzu elf van (NID 448) ay hinarang at hinol­dap ng mga armadong lalaking lulan ng tatlong motorsiklo at isang Nissan Urvan na may plakang ZPX-979.

Dito na kinulimbat ang malaking halaga at ilang personal na ari-arian ng mag-asawa subalit nakatiyempo naman si Diomedes na barilin at mapatay ang isa sa mga suspek kaya sumiklab ang barilan kung saan napatay ang babaeng Cristobal.

Kaagad naman rumes­ponde ang isang pulis na nakatira may ilang metro lamang ang layo sa crime scene matapos marinig ang sunud-sunod na putok ng baril.

Napilitang tumakas ang mga armadong lalaki matapos mamataan ang pulis na papalapit.

vuukle comment

BARANGAY MUZON

BARANGAY PARADA

BULACAN

CRISTOBAL

DIOMEDES CRISTOBAL

DITO

MONTE CITY

NISSAN URVAN

REX BELLI TAMANI

SAN JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with