^

Probinsiya

2 sanggol itinapon

Nila - Tony Sandoval/Ed Casulla -

MANILA, Philippines - Dalawang sanggol ang magkakahiwalay na itinapon sa ilog at sa basurahan sa Guinyangan, Quezon at Legazpi City, Albay kamakalawa. Ayon kay Insp. Joselito Mendoza, Chief of Police ng Guinyangan, dakong alas-5 ng umaga ng matagpuan ng mga basurero ang isang tinatayang anim na buwang sanggol na lalaki sa tambakan ng basura sa landfill ng Brgy. Alonero sa kanilang bayan. Sa Legazpi City, Albay ay isa namang dalagang ina na inabandona ng boyfriend nitong British national ang nagtapon sa ilog ng bagong silang nitong sanggol na lalaki kahapon ng madaling-araw. Ang ina ng sanggol na kinilala lamang sa pangalang Anne, 18-anyos, residente ng Brgy. Dos ng lungsod ay kasalukuyang naka-confine sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital dahilan sa dinudugo ito. Nabatid na tinangka ni Anne na i-flush sa inidoro ang sanggol pero ng hindi ito magkasya ay itinapon niya ito sa ilog sa likod lamang ng kanilang bahay. Ang ina ng naturang mga sanggol, isa rito ay pinaghahanap pa ay kapwa ipaghaharap ng kasong kriminal.

vuukle comment

ALBAY

ALONERO

AYON

BICOL REGIONAL TRAINING AND TEACHING HOSPITAL

BRGY

CHIEF OF POLICE

GUINYANGAN

JOSELITO MENDOZA

LEGAZPI CITY

SA LEGAZPI CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with