^

Probinsiya

Mister pumalag sa kawatan, utas

- Ni Ed Casulla -

DARAGA , Albay ,Philippines  — Isang 76-anyos na Mister ang nasawi matapos n a pagbabarilin ng mga di-nakikilalang mga magnanakaw na pumasok sa tahanan nito kamaka­lawa ng gabi sa Sitio Tubtuban, Brgy. Maopi sa bayang ito. Idineklarang dead-on-arrival sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang biktima na si Maximo Ar­menta , may mga pamasadang jeepney at hindi naman sinaktan ang mag-iina nito na sina Estelita, misis ng biktima saka mga anak na sina Jennifer, Boy at Totoy. Ayon sa ulat ng pulisya ang insidente ay naganap dakong alas-8 ng gabi habang ang biktima kasama ang kanyang mag-iina at katulong ay nasa loob ng bahay at nanonood ng telebisyon. Bigla na lamang pumasok sa bahay ng mga ito ang mga suspek na nakasuot ng bonnet at armado ng malalakas na kalibre ng armas na agad na pinagbabaril ang biktima ng tangkain nitong manlaban at tumakbo palabas ng bahay para humingi ng saklolo. Nagsasagawa na ng manhunt operations ang mga awtoridad sa mga nagsitakas na suspek.

vuukle comment

ALBAY

AYON

BICOL REGIONAL TRAINING AND TEACHING HOSPITAL

BIGLA

BRGY

ESTELITA

IDINEKLARANG

MAXIMO AR

SITIO TUBTUBAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with