^

Suspek pa sa masaker tiklo

- Joy Cantos () - March 1, 2011 - 12:00am

MANILA, Philippines - Bumagsak sa kamay ng mga alagad ng batas ang isa pang suspek sa Maguindanao massacre noong Nobyembre 29, 2009 na ikinasawi ng 57-katao kabilang ang 32 mediamen sa isinagawang follow-up operation sa Brgy. Limpogo sa bayan ng Datu Hoffer, Maguindanao kahapon ng umaga.

Base sa report,  kinilala ang nasakoteng suspek na si Theng Sali alyas Abdullah Abdulkahar.

Dinakip si Abdulkahar sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Quezon City Regional Trial Court Branch 221 Judge Jocelyn Solis Reyes.

Nahaharap sa kasong multiple murder si Sali at napag-alamang may patong na P250,000 reward money kapalit sa kanyang pagkakaaresto.

Sa tala ng PNP, aabot na sa 197 akusado sa Ma­guindanao massacre, 87 na ang naaresto.

ABDULKAHAR ABDULLAH ABDULKAHAR BRGY BUMAGSAK DATU HOFFER DINAKIP JUDGE JOCELYN SOLIS REYES LIMPOGO MAGUINDANAO QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH THENG SALI
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with