Gasoline station hinoldap
- Ni Mer Layson () - February 12, 2011 - 12:00am

CAINTA, RIZAL ,Philippines  —  Limas ang kinita ng isang gasoline station matapos na holdapin ng dalawang holdaper sa bayang ito kahapon ng madaling araw. Hindi pa mabatid kung magkano ang halagang natangay ng mga suspek na nagkunwaring mga kostumer  mula sa Belfast Power Gasoline and Service Center na matatagpuan sa Imelda Avenue, Brgy. Sto. Domingo, Cainta, Rizal. Batay sa ulat ng Cainta Police Station, dakong alas-12:10 ng hatinggabi nang maganap ang insidente, kung saan nagkunwari umanong mga kostumer ang mga suspek, na nakasakay sa isang taxi na puting Toyota Vios, na hindi nakuha ang plaka. Habang nagpapakarga, bigla na lamang umanong naglabas ng baril ang mga suspek at tinutukan ang kaherong si Michael Magracia, gayundin ang gasoline boy na si Raymundo Dado, na siyang inutusang kumuha ng pera mula sa kaha.

BATAY BELFAST POWER GASOLINE AND SERVICE CENTER BRGY CAINTA CAINTA POLICE STATION DOMINGO IMELDA AVENUE MICHAEL MAGRACIA RAYMUNDO DADO TOYOTA VIOS
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with