^

Probinsiya

Pupil dinukot, tatay inutas

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nagbuwis ng buhay ang isang ama matapos na man­laban sa mga armadong kidnaper na dumukot sa kanyang anak na batang babae sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Poblacion sa bayan ng Pigkawayan, North Cotabato kahapon ng umaga.

Napatay ang negos­yanteng si Allan Tamayo habang dinukot naman ang anak nitong si Krisalda Tamayo, elementary pupil sa Montessori School sa Pigkawayan.

Lumilitaw na bandang alas-6:45 ng umaga ay lulan ng motor ang mag-ama patungong eskuwelahan nang harangin ng mga kidnaper sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Poblacion.

Nanlaban naman si Allan nang sunggaban ng mga kidnaper ang kaniyang anak kaya binaril ito sa tiyan.

Kasunod nito nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng getaway vehicle (MAD) 808 pagsapit sa Brgy. Manuangan, kaya nadakip ng pulisya ang driver ng mga kidnaper.

Nagawa namang makatakas ng iba pang mga kid­­naper tangay ang bata na tumahak patungo sa direksyon ng kagubatan.

Ayon naman kay Major Marlowe Patria, deputy spokesman ng Army’s 6th Infantry Division (ID), natukoy ang grupo ng mga kidnaper matapos na magpadala na ng demand letter sa pamilya ni Tamayo.

Nakasaad sa demand letter ang halaga ng ransom kapalit ng kalayaan ng biktima.

vuukle comment

ALLAN TAMAYO

AYON

BRGY

INFANTRY DIVISION

KASUNOD

KRISALDA TAMAYO

MAJOR MARLOWE PATRIA

MONTESSORI SCHOOL

NORTH COTABATO

PIGKAWAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with