^

Probinsiya

Tanduay Distillers Inc. nasunog: 4 sugatan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Apat katao ang nasu­gatan matapos na tupukin ng apoy ang bodega ng Tan­duay Distillers Inc., isang pabrika ng alak sa sunog na tumagal ng halos sampung oras umpisa ni­tong Huwe­bes ng gabi hanggang kaha­pon ng ma­daling-araw sa Cabuyao, Laguna.

Sa ulat ng Laguna Provincial Police Office (PPO), ka­bilang sa mga nasugatan ay sina Troy Siojo, 31-anyos, mang­gagawa, nagtamo ng halos 70 % ng sunog sa kani­yang katawan, ang bum­berong si Albert Matulac, 37, miyembro ng Quezon City Fire Station at dalawang iba pa na hindi natukoy ang pa­ngalan. Base sa imbestigas­yon, ang sunog ay nagmula sa storage room ng gusali na pinagiimbakan ng mga sang­kap sa paggawa ng alak dakong alas-7:45 ng gabi noong Huwebes.

Ayon kay Supt. Dante Novicio, hepe ng Cabuyao Police, ang sunog ay mabilis na kumalat patungo sa isa pang gusali sa production line ng Tanduay Distillers Inc. na matatagpuan sa compound ng Asia Brewery sa Brgy. Sala, Cabuyao ng lalawigang ito. Kasalukuyan pang iniim­bestigahan ng mga arson investigator ang sunog upang madetermina ang sanhi ng in­sidente habang aabot naman sa 20 pamilya na naninirahan sa palibot ng planta ang nagsilikas sa kainitan ng sunog.

Nabatid pa sa opisyal na bago kumalat ang apoy ay nakarinig ng malakas na pagsabog ang mga mang­gagawa at empleyado ng Tanduay Distillers Inc. at na­hirapan ang mga bumbero na maapula ang sunog dahilan sa mga nakaimbak na kemikal at alcohol na ginagamit sa paggawa ng alak. Naapula ang apoy dakong alas-5 ng umaga nitong Biyernes.

vuukle comment

ALBERT MATULAC

ASIA BREWERY

CABUYAO

CABUYAO POLICE

DANTE NOVICIO

DISTILLERS INC

LAGUNA PROVINCIAL POLICE OFFICE

QUEZON CITY FIRE STATION

SHY

TANDUAY DISTILLERS INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with