^

Probinsiya

Cotabato niyanig uli

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isa pang pagsabog ang yumanig sa bus terminal sa Cotabato City kahapon ng madaling-araw. Sa police report na nakarating kahapon sa Camp Crame, bandang alas-12:40 ng madaling-araw nang sumabog ang bomba sa terminal ng Husky Bus sa Mother Brgy. Tamontaka kung saan naka-full alert status ang PNP at AFP sa Mindanao. Sa tala ng pulisya, ang pagsabog kahapon ay ika­apat na insidente matapos na yanigin ng tatlong pag­sabog ang Central Mindanao kamakalawa.

Kabilang sa mga bayang niyanig ng pagpapasabog ay ang Sultan Kudarat, Maguindanao at dalawa pa sa Cotabato City, isa rito ay naganap sa Weena Bus terminal.

Ayon pa sa mga imbestigador, wala namang naiulat na nasugatan sa ikaapat na pagsabog maliban sa pagkawasak ng isang yunit ng bus.

vuukle comment

AYON

CAMP CRAME

CENTRAL MINDANAO

COTABATO CITY

HUSKY BUS

ISA

KABILANG

MOTHER BRGY

SULTAN KUDARAT

WEENA BUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with