^

Probinsiya

2 sugatan sa encounter

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dalawa ang nasuga­ tan kabilang ang isang mina­las na civilian guide maka­raang makasagupa ng tropa ng pamahalaan ang may 30 armadong rebel­deng New People’s Army (NPA) sa Sta. Jo­sefa, Agu­san del Sur ka­ma­kalawa.

Kinilala ang mga na­sugatang biktima na sina Pfc Herbert Balodon at ang civilian guide na si Jesu­simo Tapla; pawang isinu­god sa DO Plaza Hospital sa Brgy. Patin-ay, Prospe­ridad, Agusan del Sur.

Batay sa report na na­karating kahapon sa Philippine Army, bandang alas-6:45 ng umaga ha­bang nagsasagawa ng combat patrol ang tropa ng Army’s 26th Infantry Battalion (IB) ng maka­sa­gupa ang may 30 rebelde sa nasabing lugar.

Ang bakbakan ay tu­magal ng 25 minuto na ikinasugat nina Balodon at ng civilian guide na si Tapla.

Ang mga rebelde ay mabilis na nagsitakas bitbit ang mga sugatan sa ka­nilang panig na patuloy na tinutugis ng tropang gobyerno.

Narekober sa pinang­yarihan ng insidente ang dalawang piraso ng Improvised Explosive Device (IED) na tumitimbang ng isang kilo bawat isa at iba pa.

vuukle comment

AGU

AGUSAN

IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE

INFANTRY BATTALION

NEW PEOPLE

PFC HERBERT BALODON

PHILIPPINE ARMY

PLAZA HOSPITAL

SHY

TAPLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with