^

Probinsiya

Convenience store inararo ng jeepney: 2 patay

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Dalawa katao ang na­sawi habang isa pa ang malubhang nasugatan ma­karaang araruhin ng isang humahagibis na own­er type jeepney ang isang convenience store habang tinatakasan ang pagka­kabangga sa isa pang be­hikulo sa kaha­baan ng Aguinaldo Highway, Brgy. Niog, Bacoor, Cavite nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ang isa sa mga biktima na si Nelson Gu­tierrez, driver ng owner-type jeepney na may pla­kang DSF-736 at isang nakilala lamang Gerry.

Isinugod naman sa St. Dominic Hospital ang su­gatang si Jun-Jun Cordial upang malapatan ng lunas.

Sinabi ni Bacoor Police Chief Sr. Supt. Redrico Ma­ranan, bandang alas-6:05 ng umaga ng araruhin ng na­turang jeepney ang konkretong pader sa tabi ng Treats Convenience Store sa tabi ng isang Pet­ron Gas station sa na­sabing lugar.

Ayon sa imbestigas­ yon, pinaharurot ng driver ng owner type jeepney ang nasabing behikulo upang takasan ang pag­kakasagi sa isang behi­kulo sa parking lot sa Brgy. Niog pero sa kama­lasan ay sinapit ang pani­bagong trahedya.

Sinabi ng mga imbes­tigador na nawalan umano ng kontrol sa manibela ang nasabing driver.

Nabatid sa mga im­bestigador na nakainom ang mga biktima ng mang­yari ang insidente. Patuloy ang imbestigasyon sa ka­song ito.

vuukle comment

AGUINALDO HIGHWAY

BACOOR POLICE CHIEF SR. SUPT

BRGY

JUN-JUN CORDIAL

NELSON GU

REDRICO MA

SHY

SINABI

ST. DOMINIC HOSPITAL

TREATS CONVENIENCE STORE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with