^

Probinsiya

4 katao nilamon ng tubig-alat

- Ni Victor Martin -

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines  — Apat-katao ka­bi­lang ang isang batang la­laki ang kumpirmadong nasawi makaraang lu­mubog ang kanilang bang­ka sa karagatang sakop ng Fuga Island, sa Aparri, Cagayan noong Linggo ng umaga.

Kinilala ni P/Senior Ins­pector George Cablarda, hepe ng Aparri PNP, ang mga nalunod na sina Mari­con Fernando, Dionisio Pan­cho, Maria Pancho at isang hindi pa nakikilalang bata na pawang mga na­katira sa nabanggit na isla.

Nabatid na patungo sana sa bayan ng Claveria, Cagayan ang bangkang M/V Cosme na pag-aari ni Bernie Cosme mula sa Sitio Calinebneb nang balyahin ng malaking alon pagsapit sa gitna ng ka­ragatan.

Ayon sa ulat, overloaded ang isa sa dahilan kung kaya’t lumubog ang bangka, subalit ayon sa pulisya, aalamin pa nila ang sanhi ng paglubog. “We are still investigating the cause of the sinking,” pahayag ni Cablarda

Base sa ulat, ang isla ng Fuga ay isa sa mga isla na bumubuo sa Ba­ buyan Group of Island kung saan nagsasa­lu­bong ang South China Sea at Pacific Ocean.

vuukle comment

APARRI

BERNIE COSME

DIONISIO PAN

FUGA ISLAND

GEORGE CABLARDA

GROUP OF ISLAND

MARIA PANCHO

NUEVA VIZCAYA

PACIFIC OCEAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with