^

Probinsiya

Paslit kinatay, sinunog ng GF ng ama

- Ni Boy Cruz -

STA. MARIA, Bulacan , Philippines  — Kalunus-lunos ang sinapit ng isang anim na taong gulang na batang ba­bae na natagpuang tad­tad ng saksak sa katawan at sinunog pa sa utos ng kina­kasama ng kanyang ama sa Brgy. Bulac sa bayang ito kamakawala ng hapon.

Kinilala ni P/Supt. Mar­cos Rivero ang biktima na si Alyssa Mae Perez, na nag­tamo ng 12 saksak sa ka­­tawan habang agad na­mang tumakas ang suspek na si Lilia Diño, 60, may-ari ng isang videoke bar at residente ng Sitio Paigkas, Brgy. Bulac sa bayang ito.

Base sa imbestigasyon ni PO3 Ernesto Janapin Jr. dakong alas-6 ng hapon nang matagpuan ang bang­kay ng bata na na­kasilid sa isang sako sa loob ng basu­ra­han sa likurang ba­hagi ng bahay ng suspek at kasalu­kuyang sinusunog ng isang kasam­bahay sa utos na rin ng suspek.

Bago ito, nakita pa ng isang residente na nag­punta ang biktima sa tinda­han ng suspek upang bu­mili ng makakain subalit ilang sandali lamang ay narinig ng residente na humihiyaw sa sakit ang biktima na pinanini­wa­laang sinasaksak na ng suspek.

Nabatid na may relas­yon ang ama ng bata na si Manuel Perez, 36 at ang suspek na si Diño. Lumili­taw din na nais na uma­nong makipaghiwalay ni Perez sa suspek na iki­na­galit ng huli kung saan pinaniniwalaang pi­nag­bun­tunan ng galit ang bik­tima.

Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang pulisya sa Metro Manila ma­tapos na makatanggap ng impormasyon na nag­tatago ang suspek sa isa sa mga lungsod dito.

vuukle comment

ALYSSA MAE PEREZ

BRGY

BULAC

ERNESTO JANAPIN JR.

LILIA DI

MANUEL PEREZ

METRO MANILA

SHY

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with