^

Probinsiya

P3.5-milyong cocaine nasamsam

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna  , Philippines – Umaabot sa P3.5-milyong halaga ng cocaine ang nasamsam sa isang notoryus na tulak ng bawal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng San Pedro, Laguna kamakalawa ng hapon.

Pormal na kinasuhan ang suspek na si Lea Millares, 30, ng #24 St. Southern Height Phase 1, Barangay Langgam, San Pedro, Laguna.

Ayon kay P/Senior Supt. Manolito Labador, Laguna police director, naunang ireklamo ng mga residente ang paglaganap ng bawal na droga at mga adik sa kanilang lugar kung saan sinasabing pangunahing nagpapakalat ng droga ay si Millares.

Dito na bumuo ng pang­kat si Labador para magsagawa ng pagmomonitor at kasabay nito ay ang buy-bust operation laban kay Millares.

Nasamsam kay Millares ang 700 gramo ng cocaine na nakabalot sa papel na may packaging tape.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o anti-drug law ang suspek na kasalukuyang nakapiit sa San Pedro police station.

vuukle comment

AYON

BARANGAY LANGGAM

DITO

LEA MILLARES

MANOLITO LABADOR

MILLARES

REPUBLIC ACT

SAN PEDRO

SENIOR SUPT

ST. SOUTHERN HEIGHT PHASE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with