^

Probinsiya

Mag-ama kinidnap, inutas

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-ama na pinutulan pa ng ari ang ma­tanda matapos na kid­napin ng mga ‘di-pa kila­lang kala­lakihan at itapon ang mga bangkay sa mag­ka­hiwalay na lugar sa Bataan noong Biyernes.

Kinilala ng pulisya ang mag-amang pinaslang na sina Emilio Silvano, 72, bar­bero at anak nitong si Elea­zar, 33, kapwa naka­tira sa Brgy. Central, Ba­langa City, Bataan

Batay sa ulat ni P/Senior Supt. Arnold Gun­nacao, Bataan PNP director, ang mag-ama ay dinu­kot ng mga armadong ka­lalakihan mula sa kanilang tahanan ban­dang alas-9 ng gabi noong Huwebes.

Kinabukasan, bandang alas-6:30 ng umaga ay na­katanggap ng tawag sa telepono ang himpilan ng pulisya kaugnay sa bang­kay na natagpuan sa kaha­baan ng Dominican Hills sa Brgy. Gabon sa bayan ng Abucay.

Si Emilio na nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa ulo at nakagapos, naka-plaster ang bibig at pinutulan pa ng ari ay kini­lala ng nakatatanda nitong kapatid na si Silvano.

Samantala, ang anak na si Eleazar na may mga tama ng bala ng baril sa mukha ay natagpuan sa damuhang bahagi ng Ba­rangay Dona sa bayan ng Orani, Bataan kung saan ilang oras pag­kata­pos marekober ang bangkay ng ama.

Pinaniniwalaan namang may matinding galit sa mag-ama ang mga sus­ pek kung saan may pa­latan­daan ding pinahi­rapan muna bago pas­langin.

vuukle comment

ABUCAY

ARNOLD GUN

BATAY

BIYERNES

BRGY

DOMINICAN HILLS

EMILIO SILVANO

SENIOR SUPT

SHY

SI EMILIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with