Jobless, pwedeng maging voting bloc - Guico
() - April 7, 2010 - 12:00am

RIZAL, Philippines — Pinayuhan ni Ramon Getsko Guico, pa­ngulo ng League of Munici­palities of the Philippines ang tatlong milyong mga walang trabahong Pinoy na maging mapanuri sa pagpili ng kan­didato sa Mayo 10 elections.

Sinabi ni Guico na dapat isaalang-alang ng mga job­less at underemployed na Pilipino ang kanilang kinabu­kasan sa darating na eleksyon sa pamamagitan ng paghalal sa mga kandidatong may konkretong plano kung paano patatakbuhin ang bansa. Aniya, ang dapat piliin ng mga ito ay ang kandidatong may maayos na platapormang pang-ekono­miya kung saan nangangahulugan ang pag­dami ng trabaho sa mga Pili­pino. Batay sa rekord ng Na­tional Statistics Office, uma­abot na sa 2.8 milyon ang walang trabaho samantalang aabot naman sa 7.1 milyon ang under­­employed. Hina­mon din ni Guico ang mga ito na bumuo ng voting bloc para sa eleksyon upang mapalitan ang mga kandidatong pa­ngako pero napako at sigura­duhin na sila ay mabibigyan ng prayoridad kapag nanalo.

ANIYA BATAY GUICO HINA LEAGUE OF MUNICI PILIPINO RAMON GETSKO GUICO SHY STATISTICS OFFICE
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with