^

Probinsiya

20 sugatan sa road mishap

-

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Dalawampu katao ang nasugatan nang sumad­sad ang kanilang sinasakyang jeepney nang mahagip nito ang isang delivery van kama­kalawa ng gabi sa San Mariano, Isabela.

Ayon sa ulat, naganap ang nasabing aksidente dakong alas-7:30 ng gabi kamaka­lawa sa kahabaan ng pro­vincial road sa Barangay Daramua­ngan, San Mariano.

Napag-alaman na sumad­sad sa gilid ng kalsada ang pampasaherong jeep na may plakang AYA 373 nang tang­kain nitong lampasan at ma­hagip ang isang delivery van na puno ng mga poultry products.

Ayon kay Chief Superin­tendent Roberto Damian, Cagayan Valley police re­gional director, ang pampa­saherong jeep na minama­neho ni Christian Puguon, 20; at delivery van na mina­ma­neho naman ni Renanto Andres, 26, ay kapwa pa­tungo sa Santiago City-Isabela nang maganap ang insidente.

Ang mga biktima na sakay ng nasabing jeep ay mapalad na nakaligtas sa aksidente maliban lamang sa mga pasa at pinsala na natamo sa katawan. Victor Martin

vuukle comment

AYON

BARANGAY DARAMUA

CAGAYAN VALLEY

CHIEF SUPERIN

CHRISTIAN PUGUON

NUEVA VIZCAYA

RENANTO ANDRES

ROBERTO DAMIAN

SAN MARIANO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with