^

Probinsiya

Ama tutol sa kasal ng anak, tinodas

-

MANILA, Philippines - Dahil sa pagtutol sa pagpa­pakasal ng kanyang anak na da­ laga sa barumbadong nob­yo ay napaaga ang salubong ni kamatayan sa isang ama makaraang pagbabarilin ng huli sa panibagong karaha­sang naganap sa Sitio Tana­wan, Brgy. Consuelo sa bayan ng San Francisco, Camotes Island, Cebu.

Sa naantalang ulat ng pu­lis­ya na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Samuel Gersalia, 52, ha­bang kinasuhan naman ang sus­pek na si Arey Herda, 25, na na­aresto matapos maki­us­yoso sa crime scene habang nag-iim­bestiga ang mga pulis.

Ayon sa pulisya, bago ang krimen ay nagtungo sa taha­nan ng biktima ang suspek upang hingin ang kamay ng anak nitong dalaga kaugnay ng pla­ nong magpakasal ng magsyota.

Matindi namang tinutulan ni Mang Samuel dahil sa kilalang siga at barumbado sa kanilang lugar ang suspek na mahilig sa basag ulo kaya ayaw niya itong maging manugang.

Gayon pa man, habang na­tutulog ang biktima nang ma­ulinigan ng misis nito ang nilik­hang kaluskos ng suspek na dahan-dahang gumagapang sa ilalim ng kanilang bahay na kawayan ang sahig.

Kasunod nito ay umali­ngaw­ngaw ang sunud-sunod na putok ng baril na tumama sa biktima kung saan mabilis na tumakas ang suspek pero nang dumating na ang mga pulis ay bumalik sa crime scene upang makiusyoso sa krimen.

Lingid sa kaalaman ng suspek ay namukhaan siya ng misis ni Samuel na respon­sable sa krimen kaya itinuro sa mga pulis na agad naman inaresto at pinosasan. Joy Cantos

vuukle comment

AREY HERDA

CAMOTES ISLAND

CAMP CRAME

JOY CANTOS

MANG SAMUEL

SAMUEL GERSALIA

SAN FRANCISCO

SHY

SITIO TANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with