^

Probinsiya

Rookie cop itinumba

-

MANILA, Philippines - Sabog ang bungo ng isang bagitong pulis matapos na pagbabarilin sa ulo ng dalawang armadong lalaki na sinasabng liquidation squad ng New People’s Army sa loob ng pampasaherong bus sa bayan ng Pantukan, Compostela Valley kamakalawa. Hindi na umabot ng buhay sa Pantukan District Hospital si PO1 Abraham de Castro ng 1106th Provincial Mobile Group ng Com­pos­tela Valley. Sa polce report na nakarating sa Camp Crame, lulan ng Bachelor Bus ang biktima pa­tungong bayan ng Mati, Davao Oriental nang matiyem­pu­han ng NPA. Joy Cantos

P2.5M school sinunog

NUEVA VIZCAYA, Philippines – Tinatayang aabot sa P2.5 milyong ari-arian ang iniulat na naabo makaraang sunugin ng mga ‘di-pa kilalang grupo ng kalalakihan ang dalawang gusali ng pampublikong paaralan sa bayan ng Baggao, Cagayan kahapon ng madaling-araw. Ayon kay P/Senior Supt. Moro Virgilio Lazo, Cagayan police director, kasalukuyang bineberipika ang grupo ng kalalakihan na responsable sa pagka­tupok ng ilang silid-aralan ng San Jose Elementary School kung saan posibleng may kinalaman ang mga rebeldeng NPA. “We are not yet sure about this (possible involvement of the New People’s Army),” pahayag ni Lazo. Subalit sa pahayag naman ni P/Senior Inspector Charles Bueno, na maaring kagagawan din ito ng ibang grupo at hindi ang mga rebeldeng New People’s Army. “We still have no definite lead yet, but we believe that it is more the case of pranksters rather than the NPA,” dagdag pa ni Bueno. Victor Martin

Kawani ng munisipyo nagbigti

BATAAN, Philippines – Pinaniniwalaang may matinding proble­mang pinansyal sa trabaho, kaya nagdesisyong magbigti ng isang kawani ng munisipyo sa loob ng kanilang palikuran kamakalawa ng umaga sa Sitio Pinagpala, Brgy. Mt. View sa bayan ng Mariveles, Bataan. Bandang alas-9 ng umaga nang madiskubre ang nakabiting katawan ni Sonnylito Bumagat y Santos, 44, sa loob ng banyo ng kanilang tahanan. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Romell Velasco, hepe ng Mariveles PNP, si Bumagat na kawani ng munisipyo sa bayan ng Mariveles ay nag-iwan ng suicide note sa kanyang asawa’t mga anak. Huling nakitang buhay ang biktima na malungkot na sina­sabing may malalim itong iniisip bago pa man magpaalam na maliligo. Jonie Capalaran

vuukle comment

BACHELOR BUS

CAMP CRAME

COMPOSTELA VALLEY

DAVAO ORIENTAL

JONIE CAPALARAN

JOY CANTOS

MARIVELES

MORO VIRGILIO LAZO

NEW PEOPLE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with