^

Probinsiya

Mag-asawa tinodas ng kapitbahay

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Dahil sa matin­ding galit na­gawang pag­ba­barilin hanggang sa mapatay ang mag-asawa ng kanilang ka­pitbahay na mister ka­hapon ng umaga sa Ba­rangay Canlubang, Calam­ba City, Laguna.

Kinilala ni P/Senior Supt. Manulito Labador, La­guna police director, ang mag-asawang sina Mar Asido, 46, security guard at asawa nitong si Elizabeth Asido, 35, kapwa nanini­rahan sa Block 10, Lot 7 sa Sitio Palao ng nabanggit na barangay.

Lumilitaw sa police report, katatapos lamang mag-almusal ng mag-asa­wang Asido nang biglang dumating ang suspek na si Andy Godines, 51, na ar­mado ng 9mm na baril ban­dang alas-9: 45 ng umaga.

Sa salaysay ng anak ng mag-asawang Asido na si Mark Brian, 14, kitang-kita niya ng pagbabarilin ang kanyang mga magulang na unang napatay kaagad ang kanyang ina.

Naitakbo pa sa Calam­ba Trauma Center ang ama nitong si Mar pero namatay din ito dahil sa mga tama ng bala ng baril sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Mabilis namang na­aresto ang suspek na si Godines ng mga barangay tanod at pulisya.

Sa inisyal na imbesti­gas­yon ng pulisya, nagawa ng suspek ang pamamaril dahil sa sinasabing pang-iinsulto sa kanya ni Mar sa tuwing sila ay magkikita.

Nahaharap sa kasong double murder ang sus­ pek na kasalukuyang na­kapiit sa himpilan ng pu­lisya. (Dagdag ulat ni Ed Amoroso)

vuukle comment

ANDY GODINES

ASIDO

CALAM

ED AMOROSO

ELIZABETH ASIDO

MANULITO LABADOR

MAR ASIDO

MARK BRIAN

SENIOR SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with