^

Probinsiya

Pinag-agawang granada sumabog, 2 patay

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines – Isang pulis at isang la­laking may diperensya uma­no sa pag-iisip ang na­matay nang sumabog ang pinag-aagawan nilang gra­nada sa harap ng pre­sinto ng pulisya sa Bau­ngon, Bukidnon kama­ka­lawa ng gabi.

Kinilala ni Police Regional Office 10 Director Chief Superintendent Da­nilo Empedrad ang nasa­wing pulis na si P02 Leo Nalitan, miyembro ng Ba­ungon Municipal Police Station.

Sinabi ng pulisya na na­unang nambihag at nana­kot ng mga pasahero ng isang pampasaherong De­lica van ang isa pang na­sawi na si Renato Babua.

Nauna rito, may bitbit na granada si Babua nang bihagin niya ang limang pasahero ng van na mi­namaneho ni Ramjude Marban. 

Napilitan si Marban na ihinto ang sasakyan sa tapat ng himpilan ng pu­lisya upang humingi ng tulong.

Sinabing nais ni Babua na magpahatid sa Kino­guitan, Misamis Oriental lulan ng service vehicle ng pamilyang Marban pero tumanggi ang driver dahi­lan hindi niya ruta at mas­yadong malayo ang lugar.

Nagresponde naman si Nalitan, pinababa ang mga pasahero at pilit na pina­susuko ang suspek na nag­matigas na tumalima.

Nang mapagtanto ni Nalitan na hindi susuko ang suspek na akmang tatanggalan ng pin ang granada upang ihagis sa mga pasahero napilitan ang nasabing parak na makipag-agawan sa eks­plosibo.

Pero sumabog ang gra­nada habang nagpapam­buno ang dalawa na siya nilang ikinasawi.

vuukle comment

BABUA

DIRECTOR CHIEF

LEO NALITAN

MARBAN

MISAMIS ORIENTAL

MUNICIPAL POLICE STATION

NALITAN

POLICE REGIONAL OFFICE

RAMJUDE MARBAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with