^

Probinsiya

Bangka lumubog: 5 patay

- Joy Cantos -

Lima-katao ang iniulat na nasawi kabilang ang tatlong bata habang labing-apat naman ang nailigtas maka­ raang lumubog ang isang bangka sa karagatan ng Daongdong Island sa Pata, Sulu, noong Sabado ng umaga.

Sa ulat ng regional AFP spokesman na si Major Eugene Batara, ang mga bik­tima ay mga residente ng Sitio Ma­nagal-Mangal, Masjid Pun­jungan, Kalingalang Ca­luang sa Sulu.

Kabilang sa mga bikti­mang nalunod at nareko­ber ang mga bangkay da­kong alas-3:15 ng hapon ay sina Naima Nassir, 35; Patrah Nas­ sir, 5; Gemar Arkan, 4; Nihma Arkan, 47 at si Juraisa Taub na nama­tay sa Karung­dong Wharf habang ginaga­mot.

Naisalba naman sa tiyak na kapahamakan sina Hatib Sakan Aran, 60; Salip Aprson Jaynal, 40; Rak­mah Bahari, 45; Admer Hussein, 14; Elein Parson, 8; Benhor Junior Taub, 4 buwang sang­gol na lalaki; Junior Taub, 27; Hussein Arkan, 40; Ardamir Imbay, 28; Armager Imbay, 14; Nurhima Parson,13; Ede­­mar Taub, 14; Tungga Ud­da­man, 45; at si Mado Tunnga, 18.

Ayon sa opisyal, ang mga biktima ay patungo sa Pata Island para dumalo sa se­le­brasyon ng Duwaa nang bal­yahin ng malala­kas na alon ang bangka na nirentahan ng mga ito.

Matapos lumubog, isa naman sa mga operator ng bangka ay mabilis na na­kalangoy sa kalapit na isla at nakahingi ng tulong sa mga tauhan ng 23rd Marine Company kaya nag­sagawa ng search and rescue operation sa tulong na rin ng mga re­sidente.

Patuloy namang pinag­hahanap ang nawawala pang 5-anyos na batang babae na si Patrah Nassir.

vuukle comment

ADMER HUSSEIN

ARDAMIR IMBAY

ARMAGER IMBAY

BENHOR JUNIOR TAUB

DAONGDONG ISLAND

ELEIN PARSON

GEMAR ARKAN

HATIB SAKAN ARAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with