^

Probinsiya

Groom pinagtataga sa kasalan, grabe

-

Naging madugo ang dapat sana’y masayang kasalan matapos na pagtatagain ang groom ng lalaking naghuramentado noong Sabado sa Ilocos Sur. Kritikal sa pagamutan ang biktimang si Rolly Veraion Revives na nagtamo ng tama ng itak sa ulo at leeg habang isinugod din sa ospital ang batang pamangkin ng biktima na nadamay sa insidente. Nakilala naman ang suspek na si Don Michael Capa ng Brgy. Cabangtalan sa bayan ng San Juan ng naturang lalawigan. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente  sa handaan ng kasal ilang oras matapos ang seremonya sa simbahan. Nabatid na kinompronta ng kamag-anak ni Revives si Capa na senglot sa alak. Napag-alamang inawat naman ni Revives ang dalawang nagsisigawan subalit habang hinahatid ni Revives ang pamangkin sa bahay nito ay nagawang harangin ni Capa na armado ng bolo at walang habas na pinagtataga ang biktima kung saan nadamay maging ang bata na nag-abay rin sa kasal. Danilo Garcia

Magsasaka dedo sa kidlat

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Isang magsasaka na dating barangay kagawad ang iniulat na namatay matapos tamaan ng kidlat habang nag-aani ng palay sa bukid sa bayan ng Pila, Laguna noong Sabado ng hapon. Kinilala ni P/Senior Supt. Felipe Rojas, Jr. Laguna police director, ang biktimang si Celso Platero, 42, ng Barangay Bucal sa nabanggit na bayan. Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-aani ng palay si Platero kasama ang kanyang misis na si Siony at kapwa magsasakang sina Impyong Rufo at anak na si Ronald nang biglang gumuhit ang matalim na kidlat na tumama sa biktima bandang alas-4:30 ng hapon. Isinugod pa si Platero sa ospital pero idinek­lara na itong patay ng mga doctor dahil sa tinamong matinding sunog sa katawan. Hindi naman nasaktan ang mga kasama ng biktima na pawang gulat na gulat sa pangyayari. Arnell Ozaeta

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BARANGAY BUCAL

CELSO PLATERO

DANILO GARCIA

DON MICHAEL CAPA

FELIPE ROJAS

ILOCOS SUR

IMPYONG RUFO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with