^

Probinsiya

Ama, 2 anak kinatay ng adik

- Nina Dino Balabo at Joy Cantos -

BULACAN – Brutal na kamatayan ang  sinapit ng mag-aama makaraang pag­sasaksakin ng adik nilang kamag-anak sa  Ba­rangay Ubihan sa bayan ng Meycauayan, Bulacan noong Biyernes ng hapon.

Kabilang sa mga bikti­mang tinadtad ng saksak sa katawan ay si Eladio Peña, 78; mga anak na sina Renato, 48; at Luisito, 42, pawang mga negosyante sa Sitio Apugan sa nabang­git na barangay.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Renito “Unyong” Arando Jr., 42, ng Sitio Asana Sa ulat Ni P/Supt. De­mos­thanes Felix, hepe ng pulisya, naitala ang krimen ban­ dang alas-3 ng hapon habang nama­mahinga ang mag-aama sa loob ng ka­nilang tahanan.

Napag-alamang puma­sok ang suspek sa likurang bahagi ng bahay ng mag-aama saka pinagsasaksak ang mga biktimang mag­kakahiwalay na nagpapa­hinga.

Inaresto naman si Wil­her­mino Alcanar, 53, tiyuhin ng suspek.

Posibleng pagnanakaw ang motibo ng krimen ma­ta­pos akalain ng suspek na may itinatagong malaking halaga ng pera ang mag-aama mula sa pinagben­tahang mga alagang ma­nok.

Inamin ni Alcanar sa pu­lisya na tinulungan niyang makatakas ang suspek matapos mapatay ang mga biktima.

vuukle comment

ALCANAR

ARANDO JR.

ELADIO PE

NI P

SHY

SITIO APUGAN

SITIO ASANA SA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with