^

Probinsiya

Purok leader nilikida

-

Pinagbabaril hang­gang sa mapatay ang isang lider sa purok ng mga rebeldeng New People’s Army maka­raang lusubin ang liblib na bahagi ng Sitio Paradise sa Barangay Kapa­tagan sa Digos City, Davao del Sur ka­ma­kalawa. Kinilala ng pu­lisya ang bikti­ma na si Paterno Intis, 51, ng nabanggit na ba­rangay. Sa ulat ng pu­lisya na isinumite sa Camp Crame, naga­nap ang insidente ban­dang alas-6 ng gabi matapos mag­sibaba sa kabun­dukan ang mga rebel­deng pi­namumu­nuan nina Ku­mander Jasmin at Mar­vin  bago nagsagawa ng pang­ha­harass sa na­banggit na sitio. Nang makilala ang biktima na lider ng purok ay agad itong pinagbabaril at niran­sak pa ang mga kaba­hayan saka tina­ngay ang 8-shotgun at isang Garand rifle na nasa kustodya ni Intis. Hindi na inabutan ng mga rumespondeng pulis at militar ang mga rebel­de na nagsitakas. Joy Cantos

vuukle comment

BARANGAY KAPA

CRAME

DAVAO

DIGOS CITY

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

PATERNO INTIS

SHY

SITIO PARADISE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with