^

Probinsiya

Bise todas sa banggaan

-

Patay ang vice mayor ng Jose Panganiban, Camarines Norte at kasama nitong babae makaraang bumangga ang sasakyan nila sa isang van kahapon ng umaga sa San Pablo, Laguna.

Kinilala ang mga biktima na sina Vice Mayor Arnulfo Arsenal at kasama nitong si Perla Reyes, residente ng Daet Camarines, Norte.

Kasalukuyang nakapiit sa  San Pablo Police station ang drayber ng van na si Jeffrey Nicolas, residente naman ng Bulacan.

Sinabi ng pulisya na binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng barangay San Antonio sa San Pablo City lulan ng Mitsubishi Adventure na may plakang XLF-220 nang bumangga ito sa van na may plakang REA-701 at minamaneho ni Nicolas.

Agarang nasawi sina Arsenal at Reyes dahil sa tinamong pinsala sa ulo at katawan habang bahagya lamang nasugatan si Nicolas sa nasabing aksidente. Edwin Balasa

vuukle comment

CAMARINES NORTE

DAET CAMARINES

EDWIN BALASA

JEFFREY NICOLAS

JOSE PANGANIBAN

MITSUBISHI ADVENTURE

NICOLAS

SAN PABLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with