^

Probinsiya

Ina kinatay ng anak bago nag-suicide

-
CAMP CRAME — Pinagtataga hanggang sa mapatay ang isang 50-anyos na ina ng sariling anak na lalaki bago ito nag-suicide sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Damgo sa bayan ng E.B. Magalona, Bacolod, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ng pulisya ang ina na kinatay na si Marietta Laurente na pinaniniwalaang may diprensya sa pag-iisip, samantala, nagpakamatay naman ang anak na si Nesmar Laurente, 22, matapos na ginilitan ang kanyang leeg.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naitala ang insidente dakong alas-8 ng umaga noong Sabado sa loob ng bahay ng mag-ina sa Hacienda Diamante ng nabanggit na barangay.

Sa ulat ni PO1 Ronilo Maru ng E.B. Magalona PNP station, namataan ang suspek ng kanyang nakababatang utol na si Mac-mac palabas ng kanilang bahay na naliligo sa sariling dugo dahil sa tinamong sugat sa leeg kaya agad itong humingi ng tulong sa mga kamag-anak upang madala ito sa ospital, subalit namatay rin.

Makailipas ang ilang sandali ay bumalik na si Mac-mac sa kanilang bahay, subalit lalo itong nagimbal nang tumambad sa kanya ang duguang ina na walang buhay at tadtad ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

May teorya ang pulisya na posibleng pinatay sa taga ni Nesmar ang sariling ina bago ito nagpakamatay sa pamamagitan ng paglaslas nito ng kanyang leeg.

Nakuha sa lugar ng insidente ang isang itak na nababalot ng dugo na posibleng ginamit ng anak sa pagkatay sa kanyang ina bago patayin ang sarili. Wala namang makapagbigay ng maayos na pahayag kung ano talaga ang tunay na pangyayari dahil ng maganap ang insidente ay ang mag-ina lang ang tao sa loob ng kanilang bahay. (Edwin Balasa)

vuukle comment

BARANGAY DAMGO

CAMP CRAME

EDWIN BALASA

HACIENDA DIAMANTE

INA

MAGALONA

MARIETTA LAURENTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with