^

Probinsiya

Nene ni-rape,tsinap-chop

-
CAMP CRAME — Malagim na kamatayan ang sinapit ng isang 6-anyos na batang babae na hinalay saka pinugutan ng ulo at pinutulan pa ng mga paa ng mga adik sa bawal na gamot kamakalawa sa Barangay Macabito sa bayan ng Calasiao, Pangasinan.

Ang biktima na sadyang itinago ang pangalan, kindergarden sa Buenlag Central School ay natagpuan ang bangkay sa ilalim ng tulay ng nabanggit na barangay.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, huling namataang buhay ang biktima nitong Martes ng hapon (Marso 6)

Napag-alamang umalis ng kanilang bahay ang biktima dahil sa takot na mapagalitan ng kanyang mga magulang dahil naisemplang nito ang sinasakyang bisikleta at masugatan ang nakababatang kapatid na kaangkas nito.

Mula noon ay hindi na nakabalik pa sa kanilang bahay ang bata kaya napilitang humingi ng tulong ang mga magulang nito sa mga operatiba ng pulisya.

Agad namang nagsagawa ng follow-up investigation ang mga alagad ng batas hanggang sa makita ang bangkay ng bata dakong alas-6 ng umaga.

Hinihinalang ginahasa ang biktima dahil wala itong damit na pang-itaas at bukas ang zipper ng kanyang short nang ma tagpuan at wala rin itong ulo at paa na natagpuan may ilang metro ang layo sa pinagkakitaan ng bangkay nito.

Kasalukuyang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang lokal na pulisya para sa pagkakakilanlan ng suspek. (Edwin Balasa)

vuukle comment

BARANGAY MACABITO

BATAY

BUENLAG CENTRAL SCHOOL

CALASIAO

CAMP CRAME

EDWIN BALASA

HINIHINALANG

KASALUKUYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with