^

Probinsiya

Sekyu binistay ng bala

-
CAVITE – Isang security guard ang natagpuang patay sa tabi ng kanyang motorsiklo at may mga tama ng bala sa dibdib at ulo sa Dasmariñas, Cavite kahapon ng madaling-araw. Ang biktima ay si Allan Benitez, 32, sekyu sa ilalim ng Lefmogiv Security And Investigation Agency na may opisina sa Brgy San Jose Calamba City at residente ng B-49 L-98 City Homes Resort Vill. Brgy Langkaan 2 ng bayang nabanggit. Sa imbestigasyon ni SPO3 Carlito Gener may hawak ng kaso dakong alas-3:00 ng madaling-araw ng tumawag sa kanilang himpilan si Brgy Councilman Romey Narvaes ng Sampaloc 4 sa bayan ding ito upang ipaalam ang pagkakatagpo sa nakabulagtang biktima. (Cristina Go Timbang)
Driver, pahinante niratrat ng 4
SAN RAFAEL, Bulacan –
Patay na bumulagta ang isang driver at pahinante ng LPG delivery truck sa bayang ito noong Sabado ng hapon matapos pagbabarilin ng apat na hindi nakikilalang holdaper. Kinilala ng imbestigador na si PO3 Bien Del Rosario ang mga biktima na sina Alfredo Cruz, 38, may asawa, residente ng Brgy. Tarcan, Baliuag at Gerald Paul Vasallo, 19, ng Brgy. Sapang Putik, San Ildefonso, driver at pahinante ng RBB Gas Dealer na nakabase sa bayan ng San Ildefonso, ayon sa pagkakasunod. Batay sa imbestigasyon ng pulisya, pabalik na sa San Ildefonso ang mga biktima mula sa bayan ng Baliuag sakay ng Isuzu Elf delivery truck na may plakang XJS-685 ng harangin sa DRT Highway, Brgy. Maasim ng mga suspek dakong alas-4 ng hapon. Matapos huminto ang delivery truck, agad na tinutukan ng mga suspek ang mga biktima at walang sabi-sabing pinaputukan na ikinamatay agad ng mga biktima. Tinangay ng mga suspek ang hindi matiyak na halaga ng koleksyon ng mga biktima at tumakas papuntang Nueva Ecija. (Dino Balabo)
Lolo dinedo ng 2 kaanak, 4 pa
CAMP SIMEON OLA , Legazpi City –
Isang 67-anyos na mister ang nasawi matapos na ito ay pagbabarilin ng kanyang mag-amang kaanak at apat pang kalalakihan dahil sa alitan sa lupa kamakalawa sa Brgy. Pajo. Balud, Masbate. Nakilala ang biktima na si Felomino Sese, may-asawa, magsasaka at residente ng naturang lugar. Samantala ang mag-amang suspek na kaanak ng biktima ay kinilalang sina Wenefredo Sese Sr. at anak na si Wenefredo Sese Jr., 24, kapwa magsasaka at pawang residente ng naturang lugar. Inaalam pa ng awtoridad ang pagkakakilanlan sa apat pang suspek na kasama ng nabanggit na mag-ama sa pamamaslang sa biktima. Batay sa ulat ng pulisya ang insidente ay naganap dakong alas-4:30 ng hapon habang ang biktimang tiyuhin ay nagpapahinga sa labas ng kanilang bahay. Nang ang mag-amang suspek kasama ang apat na di-makilalang mga kalalakihan na armado ng M-16 armalite rifle ang bigla na lamang na dumating at walang sabi-sabing pagbabarilin ang biktima sa ulo at katawan. Alitan sa lupa ang tinitingnang motibo sa pamamaslang. (Ed Casulla)

vuukle comment

ALFREDO CRUZ

ALLAN BENITEZ

BALIUAG

BATAY

BIEN DEL ROSARIO

BIKTIMA

BRGY

SAN ILDEFONSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with