^

Probinsiya

Gobernador ng Palawan kinasuhan

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Nalalagay ngayon sa balag ng alanganin si Palawan Governor Joey Reyes makaraang sampahan ng kasong estafa ng pamilya Clavecillas sa Iloilo City prosecutor’s Office may ilang araw na ang nakalipas.

Sa mga dokumentong isinumite ng abogado nina Evelyn, Cristina, Cindy, Cecile, at Milagros Clavecillas na si Atty. Romeo P. Gerochi sa prosecutor’s office, nag-ugat ang kaso laban kay Gov. Reyes makaraang bigyang ng karapatan ang nabanggit na opisyal na magbenta ng Coron Island na pag-aari ng yumaong si Homero Clavecillas.

Ayon kay Atty. Gerochi, noong 1990 ay nagtungo sa Iloilo si Reyes upang ipagbigay alam sa kanila na tatlo silang may-ari ng Coron Island kaya gumawa ng kasunduan na mabigyan siya ng karapatang magbenta ng nabanggit na isla.

"Hindi tumupad sa kasunduan si Reyes kaya inasunto siya ng pamilya Clavecillas ng civil case noong 1995 hanggang sa paulit-ulit na naantala ang trial kaya nagdesisyon ang pamilya na magsampa ng criminal case which is estafa noong Hulyo 7, 2006," dagdag pa ni Atty. Gerochi.

Matatandaang isa sa kauna-unahang mamamahayag na nagsiwalat ng naturang isyu ay ang napaslang na si Fernando Batul noong Mayo 2 sa Puerto Princesa, Palawan.

Sinikap na kontakin si Palawan Gov. Joel Reyes upang kunin ang kanyang panig sa nabanggit na isyu, subalit walang makapagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng opisyal.

vuukle comment

CLAVECILLAS

CORON ISLAND

FERNANDO BATUL

GEROCHI

HOMERO CLAVECILLAS

ILOILO CITY

JOEL REYES

MILAGROS CLAVECILLAS

PALAWAN GOV

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with