^

Probinsiya

Beauty contestant pinilahan, pinaslang

-
BUTUAN CITY – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 19-anyos na beauty contestant na pinilahan ng mga adik sa droga bago pinagsasaksak at itinapon ang bangkay sa madamong bahagi ng Barangay Doongan na may ilang metro ang layo sa Butuan City Hall, ayon sa pulisya.

Ang biktimang nagtamo ng sampung tama ng patalim sa iba’t ibang bahagi ng katawan at positibong hinalay ay nakilalang si Jemarie Baron ng Purok 1 ng nabanggit na barangay.

Nabatid sa ulat na ang biktima ay lalahok sana sa Search for Mutya Hong Butuan beauty pageant sa kapistahan ng lungsod sa Mayo 18-19, 2006.

Ayon kay P/ Senior Supt. Ramon Castillo Espiritu, Butuan City police director, ang biktima ay ikatlong beauty contestant na ni-rape at pinaslang ng mga adik sa droga na kasalukuyang gumagala sa nabanggit na lungsod at kasalukuyang hindi pa nareresolba ang kaso.

Sa nakalap na impormasyon ng pulisya, ang biktima at kasamang babae ay inanyayahan ng mga suspek na kumain sa Dottie’s Place Hotel sa nabanggit na lungsod.

Nabatid na binayaran ng mga suspek ang dalawang kuwarto ng hotel para sa dalawang babae, subalit tumanggi ang biktima na pumasok sa kuwarto.

Kasalukuyan ay unti-unting lumilinaw ang imbestigasyon at makikilala na ang mga suspek. (Ben Serrano)

vuukle comment

BARANGAY DOONGAN

BEN SERRANO

BUTUAN CITY

BUTUAN CITY HALL

JEMARIE BARON

MUTYA HONG BUTUAN

NABATID

PLACE HOTEL

RAMON CASTILLO ESPIRITU

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with