^

Probinsiya

Tinedyer dinedo ng ama ng syota

-
NUEVA ECIJA — Isang 17-anyos na tinedyer ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng ama ng kasintahan nito makaraang maabutan ng suspek ang biktima sa kuwarto ng kanyang anak sa kanilang bahay sa Barangay Mabini sa bayan ng Sta Rosa, Nueva Ecija, kamakalawa ng hatinggabi.

Tatlong bala ng baril ang tumapos sa buhay ng biktimang si Eule Cortez y Garcia, alyas Egie, fourth year high school student at residente ng Barangay Zamora, samantala, tugis naman ng pulisya ang suspek na si Larry Gonzales, 43.

Sa imbestigasyon, nabatid na dakong alas-11 ng gabi, dinalaw ng biktima ang kasintahan na si Aubrey, 16, at imbes sa salas mag-usap ay pumasok ang mag-syota sa kuwarto.

Napag-alamang hindi namalayan ng biktima na dumating na sa bahay ang tatay ni Aubrey at narinig ng suspek na may kausap na lalaki ang kanyang anak sa loob ng kuwarto nito.

Dahil dito’y kinatok ng suspek ang pinto ng kuwarto ni Aubrey at nang buksan ay wala namang nakitang kausap ang anak.

Hinanap ngayon ng suspek ang sinasabing narinig nitong kausap ng anak at nang sumilip ito sa ilalim ng kama ay nakitang nagtatago roon ang biktima.

Agad na pinalabas ng suspek ang biktima at dahil sa sobrang galit ay nagawang pagbabarilin hanggang sa mapatay.

Nabatid pa na ayaw ng suspek ang biktima para sa kanyang anak dahil mga bata pa sila at kailangang makatapos ng pag-aaral bago ang pakikipagrelasyon.

Nakarekober ang pulisya ng tatlong basyo ng cal .9mm sa pinangyarihan ng krimen, samantala, sinampahan na ng kaukulang kaso ang tumakas na suspek. (Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

AUBREY

BARANGAY MABINI

BARANGAY ZAMORA

BIKTIMA

CHRISTIAN RYAN STA

EULE CORTEZ

LARRY GONZALES

NUEVA ECIJA

STA ROSA

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with