^

Probinsiya

15-anyos na dalagita kinatay

-
CAVITE – Tadtad ng saksak sa leeg bukod pa sa halos mawasak ang nguso ng isang 15-anyos na dalagita, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Paliparan 3 Dasmariñas.

Kinilala ni Police Chief Insp. Tony Yarra, hepe dito ang biktima na si Marjorie, ng bayang nabanggit.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang may kagagawan ng nasabing krimen.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ni SPO2 Lorenzo Balbuena, may hawak ng kaso na ganap na alas-7 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima nina John Doronila, 21 at Richard Berignel, 28 na pawang mga pinsan ng biktima.

Halos wasak umano ang bibig ng biktima at tadtad ito ng saksak sa leeg at may teorya ang pulisya na posible umanong tinambangan ang biktima ng hindi nakilalang suspect at pinaslang ito.

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring maibigay na malinaw na motibo ang pulisya, habang nagsasagawa ng follow-up operation para sa ikalulutas ng kaso. (Cristina G. Timbang)

vuukle comment

BATAY

BRGY

CRISTINA G

DASMARI

HANGGANG

JOHN DORONILA

LORENZO BALBUENA

POLICE CHIEF INSP

RICHARD BERIGNEL

TONY YARRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with