^

Probinsiya

Big-time pusher, huli sa buy-bust!

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

SAN PABLO CITY, LAGUNA, Philippines — Arestado ang isang lalaking nasa High Value Individual drug list ng pulisya sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Sta. Elena sa lungsod na ito, hapon nitong Huwebes, Oktubre 29, 2026.

Kinilala ng San Pablo Component City Police Station ang arestadong suspek na si alyas “Ron,” nasa hustong gulang, residente ng lugar.

Base sa ulat, alas-3:05 ng hapon, ikinasa ng Drug Enforcement Unit ng San Pablo City Police kasama ang ­Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Laguna ang isang buy-bust laban sa suspek.

Bago ang operasyon, isinailalim muna sa ilang araw na surveilance ang suspek.

Nasamsam dito ang may 60 gramo ng shabu na may Standard Drug Price (SDP) na P408,000.00.

Narekober din sa posisyon ng suspek ang mga buy-bust money na ginamit, 1 pack ng plastic sachet na walang laman, gunting, lighter, weighing scale, isang cellphone, at isang belt bag na pinaglagyan ng mga kontrabando.

ARESTADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with